it’s her birthday today. in two hours it will be over and until now i can’t get the courage to say something. i want to greet her but what difference would it make. will i be able to add just a little happiness to her day? i really want to know. can i be someone important that she’ll be able to notice i haven’t greet her yet? i know that it is kind of bad for me to act this way. i’m still her friend and friends should greet each other in this special day, right? but i want to be more than friends. i know she knows that. i just want to pretend that i didn’t remember her birthday then it would be less than a crime than knowing but not doing anything. i’m so pathetic right now wishing that she will get angry with me for not greeting her but i know she will just brush it off when i say sorry to her when we meet and then i’ll just smile like an idiot hiding the pain away.
Deok Hwan - I’m Coming To See You
A song from the Korean drama Queen Inhyun’s Man. Best OTP ever! :)
Plain White T’s - Hey There, Delilah
Give this song another listen; Listen to my voice it’s my disguise
Nakakainis
Nakakainis. Minsan, nagiging hadlang talaga ‘yong nararamdaman natin para sa isang tao.You want to continue with your life, pero wala kang magawa kasi pinipigilan ka nito. Ewan ko ba, ako lang naman siguro ‘yong ganito. Inaayawan ko minsan ang nararamdaman ko para sa isang tao. Hindi naman sa ayaw ko talaga, it’s just that, alam kong masasaktan lang naman din ako. Masarap ma-in love, masarap maramdamang in love ka, pero kung iisipin mong walang namang patutunguhan ito, gugustuhin mo pa rin bang ma-in love talaga sa taong ‘yon? Hindi ko alam kung bakit napaka-unfair minsan ng pag-ibig. ‘Yong gusto mo, ayaw sa’yo, ‘yong may gusto naman sa’yo, ayaw mo. Choosy na kung choosy, pero pansariling kaligayahan kasi ‘yong nakataya dito. Ikaw ba, pipiliin mo ang isang tao kung alam mong hindi ka naman magiging maligaya sa kanya? At isa pa, hindi natuturuan ang puso, hindi mo rin pwedeng matutunan na mahalin ang isang tao. Hindi mo pwedeng sabihin kung sino ang dapat mong mahalin sa hindi. Kusang titibok ito, kahit pa sa isang taong hindi nararapat para sa’yo. Ang hirap intindihin, masyadong magulo at kumplikado.
Kumplikado. Sa totoo lang, simple lang naman ang pag-ibig, madaling magmahal. Pero sadyang tayo lang na mga tao ang nagpapagulo at nagpapakumplikado dito. Madaling magmahal, pero mahirap ang mahalin pabalik. Madaling magmahal, pero mahirap hanapin ‘yong taong magmamahal rin sa’yo sa paraang gusto mo. For the past few days, ang dami-dami kong iniisip. ‘Bakit siya pa?’, ‘Bakit ngayon pa?’, ‘Wala na bang iba?’ and so on and so forth. Gusto ko siya, pero ayaw kong mas mahulog pa sa kanya. Dahil alam ko, na sa oras na mas mahulog pa ako, hindi na ako makakaahon pa ulit. Hindi naman niya kasi ako masasalo. So I have to stand up on my own. Walang tutulong sa’kin, kundi sarili ko lang, kundi ako lang. At pagod na ako. Pagod na akong ibangon ‘yong sarili ko sa tuwing mahuhulog ako nang wala namang sasalo. Alam mo ‘yong kakabuo ko lang, tapos ‘eto na naman ako, pagkabagsak, durog-durog na naman uli. Why do we have to fall for someonekahit alam nating wala naman tayong pag-asa? Na walang mangyayari at walang patutunguhan ito? Kung pwede nga lang talagang ‘wag nang magmahal, ‘yong hindi mo na maramdaman ito. Kaya lang, love is that one feeling na hindi mo naman pwedeng pigilan. Oo, love is that one feeling na gustong-gusto nating maramdaman, pero nakakapagod nang masaktan. Kung pwede lang sabihing, ‘Tama na.’ Nakakagago.
Nakakagago. Ano nga bang dapat kong gawin sa nangyayari sa’kin ngayon? Gusto ko ‘yong tao, pero ayaw ko sa nararamdaman ko. Pero naisip ko, hindi naman talaga ‘yong tao at ‘yong nararamdaman ko ang ayaw ko, kundi ‘yong sitwasyon. ‘Yong oras at panahon. Ang hirap magsalita, ang hirap sabihin ang totoo. Kaya tuloy, ‘eto ako nanahimik, nagtatago. Umiiwas, lumalayo. It’s the only way, an escape. But there are things na hindi mo pwedeng takbuhan, hindi mo pwedeng pagtaguan. It’ll haunt you, hanggang sa dumating ka puntong aaminin mo na lang ‘yong totoo. Pero para sa’kin ngayon, ito lang ‘yong alam kong paraan. Ayoko munang makita siya, ayoko munang makasama siya, ayokong mas masanay pang andiyan siya. Alam ko kasing aalis din naman siya. People do come and go. Ayokong masanay sa mga bagay na alam kong pwede namang wala sa buhay ko. Pero bakit ang hirap para sa’kin ang pakawalan siya? Alam niyo ba ‘yong pakiramdam na, sinasabi niyo sa sarili niyong, ‘Wala naman siya dati, kaya kaya ko pa rin kahit mawala siya ngayon.’ May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag. Minsan, hahayaan na lang natin, kahit hindi na natin makuha ‘yong mga sagot na kailangan natin. Ano ba naman ‘to? Ayaw kong kainin ng nararamdaman ko para sa’yo. Kailangan kong pigilian pero ang masama, hindi ko mapigilan. Ano bang ginawa mo sa’kin? Nakakainis.
Ang hirap ma-in love sa’yo.




